Lunes, Marso 12, 2018


Imaculate Conception
Bawat bata na isinilang ay may mga karapatan at isa na rito ang karapatang makapag-aral.Karapatan na siyang mahalaga upang siya ay hubugin upang siya ay maging handa para sa kanyang kinabukasan. Kung wala siya sa paaralan paano siya mamumulat at magiging bihasa sa pagbasa, pagbilang at iba pang kaalaman na kanyang kakailanganin upang maging maayos ang buhay.

Sa loob ng paaralan hinuhubog ang kalooban, isip at damdamin. Ang paaralan at tahanan ay magkatuwang sa paghubog ng ating kabataan.  Kung kaya’t mahalaga ang paaralan kung saan ito ay lugar upang makapag-aral.

 Subalit, bakit may mga bata na wala sa paaralan?
Kung wala ang bata sa paaralan, saan siya patutungo?
Nakalulungkot isipin na ang ibang kabataan ay hindi tinatamasa ang karapatang siyang huhubog sa kanya upang magkaroon ng kayamanan sa isip at pagkakatuto.

Maraming salamat sapagkat sa pagsisikap na palakasin ang mga proyekto para sa mga kabataan, muling pinamunuan ni Gobernador Boying Remulla ang pamamahagi ng tulong sa scholarship sa pagtatapos ng mga estudyante ng pampublikong senior high school bilang bahagi ng pagpapatupad ng Sulong Dunong Program ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO ) noong Marso 9, 2018 sa General Mariano Alvarez Gymnasium. Dalawang libo walong daan at animnapung isa (2,861) ang nakatanggap ng mga insentibo na nagkakahalaga ng isang libo bawat isa upang matulungan sila sa kanilang mga gastos sa paaralan.Ang mga nakatanggap ay kinabibilangan ng 682 mag-aaral mula sa munisipalidad ng Carmona, 1,063 estudyante mula sa munisipalidad ng GMA at 1,116 na estudyante mula sa munisipalidad ng Silang. Pinayuhan ni Gobernador Boying Remulla ang mga estudyante na gugugulin ang kanilang insentibo lalo na sa paggawa ng kanilang pananaliksik sa paaralan at iba pang mga aktibidad sa paaralan.
Ipinahayag din niya na ang koneksyon sa internet sa buong lalawigan ng Cavite ay maipapatupad sa lalong madaling panahon upang matulungan ang mga mag-aaral sa kanilang mga homework at iba pang mga pang-edukasyon na mga gawaen. Dumalo rin sa pamamahagi ng scholarship sina Vice Governor Jolo Revilla, mga miyembro ng 5th District Board Ivee Jayne Reyes at Marcos Amutan, Carmona Mayor Dahlia Loyola, Silang Mayor Emilia Lourdes "Omil" Poblete, Silang Vice Mayor Aidel Paul Belamide, GMA Vice Mayor Maricel Torres, ang mga konsehal ng GMA, Ms Rowena Mapando, punong prinsipal ng Carmona Senior High School, si Luis ViƱegas, pinuno ng San Jose Community High School, si G. Jovito Mercado, prinsipal ng Bulihan National High School at Ms. Elisa Hernandez, prinsipal ng Gen. Mariano Alvarez Technological High School. Ang pinuno ng PCLEDO na si Alvin Mojica, at si Vice Chairman Apolonio Golfo ng Provincial Scholarship Program ay naroroon din upang suportahan ang kaganapan.

Ang pagtupad sa ating tungkuling matuto ng marami hangga't maaari ay magtutulot sa atin na makapag-ambag sa mundong ating ginagalawan at mas maihahanda tayo sa pagharap sa ating hinahanarap.Mapalad tayo dahil pinapag-aral tayo ng ating mga magulang, ngunit ang ibang kabataan ay hindi mapag-aral dahil sa kakapusan ng salapi kaya pinagtatrabaho sa murang edad upang makatulong sa pamilya.Karapatan ng bawat tao na makapag-aral, isang bagay na naipagkakait ng gobyerno sa iba nating mga kababayan. Pero gobyerno lang ba ang maaaring tumulong sa pagpapaayos ng edukasyon ng bansa? Hindi, tayo ring mga simpleng mamamayan ay maaaring makatulong.Tara na at umaksyon para sa magandang kinabukasan ng susunod na henerayon!